Bagong DA Secretary wala pang ibinabang direktiba para sa Bicol Region; produksyon ng bigas sa Camarines Sur mataas

NAGA CITY-  Wala pang ibinababang direktiba ang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) na Francisco Tiu Laurel Jr. para sa Bicol Region. Gayunpaman prayoridad ng bagong kalihim ang modernisasyon at produksyon sa pagsasaka at pangingisda.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin, Information Officer ng DA Bicol, sinabi nitong nais ni Laurel Jr. na pataasin ang produksyon upang mabawasan ang pagdepende sa importasyon.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa Camarines Sur , 86, 000 metriko tonelada ang ani ng palay nitog Oktubre habang mayroon na kaagad 55,000 metric tons ngayong  Nobyembre. Paborable  rin aniya sa mga magsasaka ang presyo ng fresh palay.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Hinikayat nito ang mga nasa sektor ng agrikultura na magparehistro upang nakakabilang sa mga asistensya ng pamahalaan.