Mga nanalong kandidato sa BSKE na mabibigong maghain ng SOCE nanganganib na matanggal sa pwesto

CAMARINES NORTE – Nanganganib na matanggal sa pwesto ang mga nanalong kandidato na mabibigong makapaghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ang huling araw ng pag-file ng SOCE ay sa November 29, 2023  araw ng Miyerkules.

Kahit holiday ay bukas ang mga opisina ng Comelec sa Lunes, November 27 para tumanggap ng mga maghahain ng SOCE.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau sinabi nito na pwedeng ideklarang bakante ang posisyon kapag ang nanalong kandidato ay hindi nakapaghain ng SOCE.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Nanalo man o natalo ay kinakailangang magpasa ng SOCE at iba pang angkop na dokumento sa Office of the Election Officer (OEO) kung saan naghain ng kandidatura.

Ayon pa kay Abanes mayroong finance unit ang Comelec Central Office na ang pagtutuunan ng pansin ay ang pagbusisi sa mga isnumiteng SOCE.