Mga nakatanggap ng unang COVID- 19 booster shot sa Camarines Norte nasa 11. 9 percent pa lang

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nakakatanggap ng unang COVID- 19 booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng pagsasagawa ng Bakunahang bayan at Barangayang Suyod Bakuna.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center as of December 19, 2022 nasa 11. 9 percent pa lang ang nakatanggap ng unang booster.

Read More:  Former NPA member surrenders, leads army to weapons cache in Iloilo

Ang may pinakamalaking bahagdan sa ngayon na nakapagbakuna ng booster shot ay ang Daet na mayroong 18. 809 o 24. 1 percent sa  73, 118 na fully vaccinated.

Sinusundan ito ng pinakamaliit na bayan ang San Vicente na  nasa 20. 1 percent na.

Ang Talisay ay mayroong 14. 9 percent, Mercedes 14. 1 percent, San Lorenzo Ruiz 12. 5 percent at Basud 10. 2 percent.

Read More:  Missing lending collector from Bukidnon found buried in Lanao del Sur pineapple plantation

Ang nalalabing mga bayan ay mas mababa pa sa 10 percent.

Ito ay ang  Capalonga na nasa 9. 1 percent, Vinzons 8. 3 percent, Jose Panganiban 8. 2 percent,  Labo 7. 1 percent, Sta Elena 6. 8 percent at Paracale na nasa 5. 9 percent pa lang.

Nasa 1. 71 percent pa lang ang nakakatanggap naman ng ikalawang booster.