Mga nakapagpatala para sa 2025 midterm election, lagpas sa target ng COMELEC

Lumagpas sa inaasahang bilang ng COMELEC ang mga nagpatalang botante para sa 2025 midterm election.

Ayon kay COMELEC spokesperson Rex Laudiangco, nasa tatlong milyon lang ang kanilang target.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Pero sa huling datos ng COMELEC last week, nakapag tala na sila ng 6.9 million na iba’t ibang klase ng application.

Kung saan ang nadagdag na bagong registrants ay nasa 3.4 million, sa nasabing bilang humigit kumulang tatlong milyon ang bagong botante at nasa apatnaraang libo naman ang nagpa-reactivate.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Inaasahan naman ng COMELEC na madadagdagan pa ang bilang na ito dahil hindi pa kasama sa bilang ang mga nakapagpatala noong Sabado at ngayong araw.