Mga nahatulang Pinoy sa mga Muslim-majority countries dapat i-apela ngayong Ramadan- Solon

Dapat mamagitan ang mga embahada ng Pilipinas sa mga Muslim-majority countries sa ngalan ng mga nahatulang overseas Filipino o ang mga nahaharap sa parusang kamatayan sa panahon ng Ramadan.

Nanawagan si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo  sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na tulungan ang mga embahada sa paghingi ng pardon o commutation ng sentensiya ng mga convicts.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ayon sa Department of Foreign Affairs ,  mayroong 83 overseas Filipino na nasa death ro,  56 ang nasa Malaysia; 6 sa United Arab Emirates; 5 sa Saudi Arabia; isa sa Indonesia, at 15 sa iba pang bansa gaya ng Bangladesh, China, Vietnam, USA, Japan, at Brunei.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Mayroong kabuuang 1,267 overseas Filipino na nakakulong sa abroad kung saan 914 sa mga ito ay nasa Middle Eastern country, 321 sa Asia Pacific; 23 sa Europe; 5 sa America, at 4 sa Africa.

Sa mga nagdaang taon, sinabi ni Salo na binigyan ng clemency ng Saudi Arabia at Yemen ang ilan sa mga nahatulan ng kamatayan o nakakulong sa kanilang bansa.