NAGA CITY- Gong Xi Fa Cai and Kung Hei Fat Choi! Masasaksihan na sa Naga City ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New year simula ngayong araw; inaanyayahan naman ang mga Nagueño na makiisa sa pagsalubong nila sa Year of the Dragon.
Sa bisa ng Proclamation No. 453 , ang araw na ito ay special non-working day sa buong bansa. Alas-4 mamayang hapon, gaganapin ang Lion and Dragon Dance Cultural Show sa isang mall sa Barangay Del Rosario, bukas naman Feb. 10 alas 9:30 sa mall sa Triangulo at alas-tres ng hapon ay susundan ng misa sa Saint Joseph School na isang Chinese- Filipino Catholic Institution. Highlight ng mga akribidad ang parada sa sentro at Lion and Dragon Dance Show sa Plaza Quezon mula alas-4:30 ng hapon.
Ayon kay School Principal Rhodora Cortina laging kasama ng mga TsiNoy ay lokal na pamahalaan ng Naga sa ganitong okasyon. Pinaghahandaan aniya nila dahil batid na maraming nag aabang.