Mga nagpaparehistro para sa December 5, 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections dagsa sa Comelec ilang araw bago magtapos ang voter’s registration

CAMARINES NORTE- Dumagsa sa tanggapan ng Commission on Elections ang mga nagpaparehistro para sa December 5, 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ilang araw araw bago magtapos ang voter’s registration.

Sa Comelec Basud ay dagsa ang mga nagpaparehistro mula umaga hanggang hapon na karamihan ay mga kabataan.

Hindi na rin nasunod ang social distancing dahil sa dami ng mga nagpaparehistro.

Umabot  sa 184 ang nagparehistro sa buong maghapon lang na nagmula sa iba’t- ibang barangay.

Batay sa datos ng Comelec sa bayan ng Basud umaabot na sa 1, 233 ang mga nagparehistro simula  nang umpisahan ang registration noong Hulyo 4.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa type of application ay pinakamarami ang registration na mayroong 903 o 73. 24 percent na sinusundan ng transfer mula sa ibang bayan o Lungsod na may 187   o 15. 17 percent.

Ngayong araw ay tuloy ang satellite registration sa Barangay Tuaca  sa kabila ng maghapong brownout at kasama sa accomodation ang kalapit Barangay ng San Pascual.

Ang mga magpaparehistro ay pinapayuhang  magdala ng alinman sa mga sumusunod na requirements sa pagpaparehistro; National ID, Employee’s ID na may pirma ng employer o authorized representative, Postal ID, National PWD ID card, Student’s ID o library card na may pirma ng school authority, senior citizen’s ID, driver’s license, NBI clearance, passport, SSS/GSIS ID, IBP ID, lisensiya na inisyu ng PRC, Certificate of confirmation issued by NCIP kung miyembro ng IPs, Barangay Identification o certification na may picture o anumang valid ID

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mababatid na mas ginugol ang panahon ng Comelec sa naturang bayan sa pagsasagawa ng satellite voter’s registration sa mga Baranggay upang hindi na gumastos ng pamasahe at pagkain ang mga nasa malayo para lang magparehistro.

Sa huling dalawang araw ng voter’s registration ay balik sa opisina ng Comelec ang pagpaparehistro.

Tatagal ang voter’s registration hanggang sa Sabado, Hulyo 23.