Mga nagkaka-cervical cancer sa Bicol Region, tumataas; 51k mahigit na mga babae ngayong taon, target na ma-screening

CAMARINES SUR – Tumataas ang bilang ng mga nagkaka-cervical cancer sa Bicol Region, kung saan target ang nasa 51, 921 na mga babae ngayong taon na ma-screening.

Ayon kay Dr. Monrey Isaiah Mancilla, Non Communicable Disease Prevention Control Cluster Head ng Department of Health Bicol, 150 ang naging kaso noong 2023, mula sa ospital ng Bicol Medical Center at sa Bicol Regional Hospital and Medical Center, na dahilan ang pagkaka-engage sa sexual, na-expose sa virus kaya nagkakaroon ng bukol sa cervix, na kadalasang dahilan ng pagkakamatay ng mga kababaihan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bilang pagpapalakas pa ng kamalayan lalo na sa mga kababaihan upang maiwasan ang sakit, ngayong araw inilunsad sa Naga City ang Regional Launching of Cervical Cancer Screening Services at hinikayat ang LGU Naga, na paigtingin ang mga programa, lalo na ang mga libreng serbisyo tulad ng Papsmear, Visual Inspection with Arcetic Acid, at human papillomavirus na para sa mga nag-eedad 14 hanggang 20.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon pa sa opisyal, kailangan na ma-screening o matingnan ang isang babae upang malaman kung may cervical cancer na siya lalo na ang mga nag-eedad 30 na, lumalabas kasi ang sintomas nito kung malala na, tulad ng pagpayat, may masamang amoy tuwing may dalaw, at higit sa lahat ang matulungan sa gamutan lalo na’t itoy na-iiwasan.