NAGA CITY –Sentro ngayon ng atensyon ng mga barangay officials sa Naga City ang mga may sakit na TB o tuberculosis na dapat regular na nagpapa check-up para mabigyan ng supply na gamot sa loob ng anim na buwan.
Sa ngayon kasi hindi pa ipinatutupad ang apat na buwang iminungkahing gamutan, anim na buwan na kun saan mahigpit silang imo-monitor ng mga barangay healthcare workers.
Ilang mga barangay opisyal sa lungsod ang nagpahayag na mababa din lang ang bilang ng may sakit na TB sa lugar nila, ngunit nakakabahala pa rin dahil nakakahawa ito.
Batay naman sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Calauag Punong Barangay at Liga President Corazon Peñaflor, sinabi niyang may iilan silang pasyente sa sakit na ito, ngunit mahigpit din nilang binabantayan ang health status.
Tinitiyak niyang regular ang mga itong nagpapa check-up at nabibigyan ng tamang gamot para tuluyan ng gumaling at huwag ng makahawa sa pamilya at sa mga nakakahalubilo.
Alam din aniya ng mga ito ang mga pinagbabawal na gawin para hindi lumala ang sakit. Ganito rin ang naging pahayag ng ibang mga barangay opisyal.