Inihayag ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon na excuse mula sa trabaho ang mga manggagawa mula sa pampubliko at pribadong sektor na magpapabakuna sa ikalawang round ng nationwide vaccination program.
Matatandaan na parehong direktiba rin ang inilabas ng gobyerno sa unang phase ng “Bayanihan, Bakunahan” project na isinagawa noong Nov. 29 hanggang Dec. 1.
Ang second round ay magsisimula sa Dec. 15 hanggang Dec. 17, pero matutuloy lang sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Cordillera Administrative Region, habang sa Dec. 20 hanggang 22 pa sa ibang lugar dahil sa posibleng pagtama ng Bagyong “Odette.”

Sa kabila nito, umaasa ang gobyerno na mababakunahan ang pitong milyong tao sa three-day drive.
Sa huli, tiniyak ng gobyerno na may higit sa sapat na suplay ng mga bakuna para maabot ang target na 54 million fully vaccinated Filipinos sa katapusan ng taon. //MHEL PACIA-TRINIDAD