Mga mambabatas, hati ang reaksyon sa paglusot ng SIM Card Registration Bill

Nanindigan ang ilang mga Makabayan lawmaker na dapat pa ring masigurong mapo-proteksyunan ang karapatan ng mga Pilipino sa oras na tuluyan nang maisabatas ang Mandatory SIM Card Registration Bill.

Ito ang pinasisiguro ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos makalusot sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 14 na layong ipa-register ang mga SIM cards nang sa gayon ay maiwasan ang mga krimen na may kaugnayan sa paggamit ng mga mobile phones.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa isang panayam, sinabi ni Manuel na nananatili pa ring mahina ang proteksyon para sa data privacy ng isang user.

Umaasa umano ang mambabatas na mapahahalagayan pa rin ang privacy ng isang user para hindi matapakan ang kanilang basic rights.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Sa hiwalay na panayam, inisa-isa ni TINGOG party-list Rep. Jude Acidre, isa sa mga principal authors ng panukala, ang kahalagahan ng pagre-register ng mga SIM cards.

Sa ngayon aniya, hinihintay na lamang na maipasa rin ang bersyon nito sa Senado.

Matatandaaang kahapon ay nakalusot na rin sa 2nd reading ng Senado ang Senate Bill No. 1310 o ang proposed SIM Registration Act ni Senadora Grace Poe.
#