Nagumpisa ang serye ng mga pakikipagpulong ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa kanyang mga counterparts at iba pang mga Foreign Ministers bago pa man ang pormal na pag-uumpisa ng United Nations General Assemby sa New York mamayang gabi, oras sa Pilipinas.
Unang nakausap ni Manalo sa sidelines ng UNGA ay si Norwegian Foreign Minister Anniken Huitfeldt.
Ayon sa DFA statement, kabilang sa mga tinalakay nina Manalo at Huitfeldt ay ilang mga usapin hinggil sa maritime issues at kahalagahan ng pagpoprotekta rito.
Nakipag-usap din si Manalo at Korean Foreign Minister Park Jin.
Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang mga hakbang para sa pagpapatibay ng pitong dekadang relasyon ng Pilipinas at Korea.
Tinalakay din ang mga usapin sa pagpapalakas ng maritime cooperation, at pagshe-share ng mga best practices sa larangan ng agham at tekonolohiya, turismo, edukasyon, at paggawa.
#
