LEGAZPI CITY – Hinikayat ngayon ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol ang lahat ng Local Government Units (LGU’s) sa Bicol Region na magkaroon ng Contingency Plans sakaling tumama ang makalas na lindol tulad ng The Big One.
Ito ang inihayag ni Gremil Naz ang tagapagsalita ng nasabing tanggapan sa Brigada News Fm Legazpi.
Ayon kay Naz, matagal ng mayroon nang inirekomenda ang ahensya sa mga Lokal na Gobyerno na magkaroon ang mga itong contingency plans.
Iminungkahi rin sa mga Lgus na kailangan makipagkoordinate sa Philvocs kung ano ang pwedeng maranasan o intensity sa kanilang lugar upang mapaghandaan ng mga ito.
Bawat taon aniya ay nagsasagawa rin ang bawat Lgu na trainings, seminar o webinar tungkol sa earthquake drills upang malaman ang kanilang mga gagawin at maiwasan na magkaroon ang casualty sa kanilang lugar.
Sinabi ng opisyal, tinututukan rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang bawat local na gobyerno ang kanilang mga aktbidad upang matulungan sa paghahanda sakaling tumama ang anuman na kalamidad.