Mga guro, binatikos ang pagveto ni PBBM sa tax exemption para sa mga poll workers

Pinuna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., matapos iveto ang Senate Bill No. 2520, na naglalaying bigyan ng tax exemptions ang honoraria, allowances, at iba pang benepisyo na ibinibigay sa mga election workers.

Ayon sa grupo, nakakalungkot, nakakadismaya at nakaka-demoralize lalo na umano sa bahagi ng mga guro ang naging hakbang na ito ng pangulo.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Giit ng ACT, na ito ay pagpapakita sa pagbabalewala sa kontribusyon ng mga guro sa kada halalan.

Paliwanag kasi ng mga ito na ang pagtanggap ng full amount ng kanilang allowances at honorarium ay nakapahalaga, lalo na’t hindi umano biro ang pag-upo ng mga guro sa panahon ng eleksyon, bilang 50-50 na nakataya ang kanilang buhay.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dahil dito, planong i-apela ng ACT ang naturang hakbang ni Marcos.