Mga kunsomidores ng Canoreco muling sinalubong ng pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan

CAMARINES NORTE- Muling sinalubong ng pagtaas sa singil sa kuryente ang mga kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative ngayong buwan.

Ayon sa Canoreco tumaas ang billing rates para sa November 2021 na babayaran ngayong Disyembre.

Ang residential rate ay Php11.2033 per kWh noong Nobyembre na mas mataas kumpara sa Php10.6519 per kWh  noong October 2021 billing.

Ang low voltage rate ay Php10.2498 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.7229 per kWh o nagkaraoon ng nasa Php0.5514 per kWh na pagtaas.

Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge ng Php0.5046 per kWh na resulta ng mas mataas na average Time of Use (TOU) rates ng Aboitiz Power Renewables, Inc. (APRI), at ng mataas na presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ito’y dahil sa sa manipis na suplay ng kuryente noong nakaraang October 2021 dahil sa forced and planned outages ng major generating plants dulot ng maintenance ng Malampaya Gas Facility noong October 2 hanggang October 21, 2021 na nagresulta sa makabuluhang pagbaba ng natural gas generation.

Mayroon lamang 889 gWh (gigawatt-hour) ng natural gas generation noong October 2021 na mas mababa ng 42.3% sa gWh noong September 2021.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Tumaas din ang System Loss Charge ng Php0.0535 per kWh at ang Value Added Tax (VAT) charges ng Php0.0270 per kWh.

Bahagya naman ang naging pagtaas ng Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA), Lifeline Subsidy at Senior Citizen Subsidy na may kabuuang Php0.0027 per kWh.

Sa kabilang dako, bumaba naman ang Transmission Charge ng Php0.0363 per kWh dahil sa mas mababang ancillary services na sinisingil ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang Generation Charge ay nagbabago kada buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.