KORONADAL CITY- MALIBAN sa wage increase ng mga minimum wage earners, makakatanggap din ng P 500 na dagdag sa kanilang buwanang sahod ang mga kasambahay sa rehiyon 12.
Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Joel Gonzales batay sa ipinalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB 12 na Wage Order No. RB XII-DW-04.

Ang mga kasambahay sa mga cities at first class municipalities ay makakatanggap na ng P 5,000 na minimum wage rate, habang P 4, 500 naman sa ibang munisipyo. Epektibo ang bagong wage order sa mga kasambahay simula October 16, 2023.
Batay sa Kasambahay Law, ang mga barangay at mga local government unit ang dapat manguna sa pagmonitor sa welfare ng mga kasambahay lalo na sa tamang pagpapasahod sa mga ito.