Mga kapatid ng pumanaw na si dating PNP Chief Cascolan, may duda sa ikinamatay nito

Pinag-dududahan ng mga kapatid ni dating Philippine National Police Chief Camilo Cascolan ang kanyang pagkamatay lalo’t agad umanong ipina-cremate ang kanyang labi na taliwas sa kanilang hiling.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Ayon kay Atty. Stephen Cascolan pamangkin ng dating hepe na pinagdududahan nila ang paglala ng lagay ni Camilo na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Pinagtataka rin nila kung bakit na-crimate ang labi ni Camilo kahit naroon ang National Bureau of Investigation na handang magsagawa ng autopsy.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sinabi pa ng katapid nito na malaking tanong kung bakit doktor mula sa PNP at hindi attending physician ang pumirma sa death certificate na siyang ginamit upang mapa-cremate ang dating opisyal.