DMW, tiniyak na ligtas na ang 2 Pilipino na sakay ng chemical tanker na na-hijack sa Gulf of Alden

Ligtas na ang ilang Pilipino at iba pang seafarer na sakay ng barkong na-hijack sa Gulf of Alden nitong nakaraang linggo.

Ayon ‘yan Department of Migrant Workers mula sa impormasyong ipinadala ng US Naval Institute.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Hindi umano baba sa dalawang Pilipino ang sakay ng chemical tanker na MB Central park.

Nakipag-ugnayan na ang DMW sa mining at shipping agency ng barko pati na rin sa pamilya ng mga Pilipinong tripulante.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Nakikipagtulungan na rin ang ahensya sa Department of Foreign Affairs para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong seafarer sa rehiyon.

Noong nakaraang linggo lamang isang barko rin na may sakay na 17 Pinoy ang kinubkob ng grupong Houthi sa Red Sea.