Mga kandidato sa Barangay at SK elections sa Naga City may violations sa sukat ng kani-kanilang mga Campaign Materials

NAGA CITY – May naitala na ang COMELEC-Naga na ilang violations ng mga kandidato sa Barangay At Sk Elections; sobra ang sukat ng kanilang mga campaign materials mula sa posters at sa mga banners.

Ito ang natuklasan nina Atty.Maico Julia Jr. COMELEC Officer ng lungsod sa patuloy nilang pag obserba sa nangyayaring pangangampanya ng mga kandidato.

Hindi na rin binanggit ni Julia kung sinu-sino ang mga ito, siubalit kanila na rin inabisuhan hinggil sa violations na nagawa ng mga ito.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Julia, muling inisa-isa niya ang mga violations na dapat sana iwasan ng bawat kandidato, para hindi makatanggap ng show cause order, mula sa kanilang opisina o sa korte.

Kabilang sa mga violations na ito, ay pagsomombra nga sa sukat o size ng mga campaign materials, ang pagsuot ng sombrero o damit ng kandidato na may pangalan nito at lalong lalo na ang pamimigay ng pera.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Pag ganito na ang senaryo, ayon sa abogado ay maituturing na nilang vote buying, dahilan para makatanggap ang mga ito ng show cause order.

Una na ring ipinaalala ni Julia na ang show cause order ay iyong paraan para pagpaliwanagin ang isang kandidato sa nagawan iyang violations, hindi sila disqualified, kandidato pa rin ang mga ito, na dapat botohan sa darating na halalan.