Mga kabilang sa A4 priority group nakasama na rin sa pagbabakuna

CAMARINES NORTE – Patuloy ang pag- arangkada ng pagbabakuna sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kahapon, nakasama na rin sa binakunahan ang mga kabilang sa A4 priority group sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Kabilang sa grupong ito ang mga nagtatrabaho sa labas ng kanilang bahay gayundin ang mga government workers.

Matatandaang noong August 23- 29 ay napasama ang naturang bayan sa mga lugar sa Bicol na nasa high risk.

Read More:  Seven people swept away by flash floods in Davao Occidental

Sa panuntunan  ng Department of Health (DOH), maaari nang magbakuna sa A4 kapag ang lugar ay nasa high risk.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Batay sa datos ng DOH nasa 113, 701 na ang natanggap na doses ng bakuna sa Camarines Norte.

Sa bilang na ito 88 % ang nakatanggap na first dose habang 33 % naman ang natapos na ng kanilang second dose.

Ngayong patuloy na lomolobo ang mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan ay ang mahigpit ding paalala ng Lokal na Pamahalaan sa publiko na sundin ang health protocols.