Mga kabataan sa Naga City kabilang sa may mataas na porsyentong nagkakaroon ng syphilis at iba pang nakakahawang sexually transmitted infection

NAGA CITY –Muling nagbabala ang Naga City Hygiene Clinic dahil sa tumaas ang bilang ng nagkakaroon ng impeksyon ngayong taon dahil sa maling pakikipagtalik o sexual relationship na kung saan sa nakukuhang resulta nila ay maraming mga kabataan ang nagkakaroon na, bukod sa nakakabahalang patuloy na pagtaas din ng mga nagkaka HIV/AIDS.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon kay Grace Guevarra, head ng klinika sa datus nila ang pinakabatang may sexually transmitted infection o STI ay 20 taong gulang na madaling makahawa dahil ang iba sa impkesyon na ito ay halos walang sintomas o kung lumabas man ang sintomas ay malala na ang sakit.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa kanyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang mahalagang laging makipag-ugnayan sa kanilang opisina kung sexually active para matiyak ang kondisyon ng kalusugan.