BICOL – NILINAW ngayon ng Department of Health o DOH-Bicol ang ilang mga usapin kaugnay sa pagpapabakuna kontra covid-19 ng mga kababaihang nagpapasuso at buntis.
Ayon ahensya, maaaring magpaaturok ng covid-19 vaccine ang sinumang bababeng nagpapasuso o lactating mothers.
Bagaman limitado umano ang datus hinggil dito, sinabi ng World Health Organization o WHO na ang isang babae ay nagpapasuso ay kabilang sa isang grupo na maaaring tumanggap ng bakuna at hindi rin umano inirerekomenda na ipagpaliban ang pagpaapasuso bago o maatapos magpabakuna.
Gayundin ang mga babaeng nagdadalang tao o buntis ay inirerekomenda tumanggap ng bakuna nang may pag iingat, bilang limitado ang datos sa mga buntis na kasama sa clinical studies.
Maaari ring umanong magpabakuna matapos ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis o first trimester.
Samantala, wala ring dapat ipag aalala ang mga kababaihang may planong magbuntis kaugnay sa pagtanggap ng doses ng bakuna dahil ito ay ligtas.
Hindi rin kinakailangan ng pregnancy test bago magpabakuna pero ipinapayo na kumuha nito ang mga babaeng posibleng buntis lalo na kung may palantandaan gaya ng missed period o hindi pagdating ng regular na dalaw.
Payo ng DOH-Bicol, kung may agam agam hinggil sa pagpapabakuna mas mainam na kumunsulta o magtaanong sa mga eksperto tulaadng mga doktor, healthcare workers at mga vaccinators bago tumanggap ng covid-19 vaccine.