Mga informal settlers na naninirahan sa tabi ng Pasig River, nakahandang mag-relocate

“Nakahanda kaming umalis basta may maayos kaming malilipatan”

Ito ang pahayag ng mga informal settler na maaapektuhan ng proyektong Pasig Bigyang Buhay Muli ng pamahalaan.

Karamihan sa mga ito ay dito na lumaki at nagkaroon ng pamilya.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Robert Mendoza, Presidente ng Riverside Home Association, wala silang magagawa kung gagamitin ng gobyerno ang area.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Aniya, hindi sila magmamatigas dahil ang lupa ay pagmamay ari ng gobyerno.

Bilang Presidente ng Asosasyon, hangad nalang niya na marelocate ng maayos lahat ng pamilya na naninirahan sa kanilang komunidad sa Riverside 2, Arroceros st., sa Ermita, Maynila.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, nakikiusap din siya na sana ay bigyan muna sila ng abiso para makapag handa bago lumipat.

Kung matatandaan, sa Pasig River Inauguration, tiniyak ni Pangulong BongBong Marcos, na bibigyan ng maayos na tirahan ang mga pamilyang naninirahan sa kahabaan ng Pasig River Banks.