Mga gusali sa Merkado Publiko ng Koronadal, nakatakdang i-turn-over

KORONADAL CITY – POSIBLE na sa buwan ng Oktubre ngayong taon, mai-turn-over na ng contractor ng Koronadal City Public Market ang susi ng ilang gusali. Ito ang inihayag ni Executive Assistant III Rey Legaste ng City Economic Enterprise Development Office o CEEDO kung saan ito ang target na buwan base umano sa pinakahuling pagtitipon ng lungsod kasama ang contructor.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ayon kay Legaste, sa kondisyong magiging maayos na ang sitwasyon ng merkado lalo na sa pangkabuuan. Nakapagsagawa na rin ang mga ito ng Strategic Planning sa layuining mapaibayo pa ang Merkado Publiko lungsod. Pinag-usapan din ang pagpapatupad ng karampatang polisya upang matulungan ang merkado na mapanatiling maganda, malinis at kaaya-aya.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu