Mga guro muling pinaalalahan na bawal ang sapilitang paghingi ng kontibusyon sa Christmas Party

NAGA CITY- Bawal ang sapilitang paghingi ng kontibusyon para sa Christmas Party isa ito sa laman ng Department of Education DepEd Order No. 052, s. 2022 o ang guidelines sa pagkakaroon ng nasabing aktibidad sa paaralan.

Ito ang paalala ngayong nalalapit na ang Christmas Party sa mga paaralan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay DepEd Naga School Division Superintendent Dr. Manny De Guzman, batid na ng mga guro na dapat simple pero makahulugan ang okasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Camarines Sur National High School Principal Dr. Sulficio Alferez sinabi nitong wala itong problema sa kanila dahil dati nang ginagawa na boluntaryo ang pagbibigay.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Puwede aniyang mag party pero dapat napag uusapang mabuti ng mga estudyante at mga magulang ang dadalhin sa pagtitipon o kung ano ang kayang maiambang.