Posibleng pagmultahin at ma-suspend sa kanilang mga serbisyo ang mga empleyado ng gobyerno na nakipag-selfie kay Alice Guo.
Ito ang inihayag ng Civil Service Commission (CSC) matapos mag-viral online ang mga litrato ng mga opisyal ng Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation nang ma-aresto si Guo sa Indoneisa.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada, dapat sumunod ang mga empleyado ng gobyerno sa Republic Act 6713, o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”
Kung lalabagin nila ito, pagmumultahin ang mga empleyado ng gobyerno ng hindi hihigit sa 6 na buwang halaga ng kanilang suweldo, o suspindihin nang hindi hihigit sa isang taon.