Guro na nangagat ng dalawang menor-de-edad na estudyante, iniimbestigahan na ng CHR

Gumugulong na ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights tungkol sa pangangagat ng isang guro sa dalawang menor de edad na estudyante nitong tumanggi magpakita ng abs.

Ayon sa CHR, nakikipag-uganayan na sila sa pamilya ng biktima at sa kapulisan sa Central Visayas.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Kaugnay nito, tiniyak din ng Commission na handa silang magbigay ng tulong at suporta sa pamilya ng dalawang menor de edad.

Read More:  Family appeals for help as Filipino doctor Juan Carlos Manalo remains missing in Nepal

Samantala, ikinabahala naman ng CHR ang naturang insidente at kinondena ang ano mang uri ng pananamantala lalo na kung ang sangkot ay isang guro na pinagkakatiwalaan ng mga magulang ng estudyante.