Integridad ng 5-man committee na sasala sa courtesy resignation ng mga pulis, tiniyak ni Abalos

Tiniyak ni Interior Secretary Benhur Abalos ang kredibilidad ng mga taong bubuo sa 5-man committee na magsisiyasat sa background ng mga pulis na magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

Sa isang panayam sinabi ni Abalos na makaka-asa ang publiko na ang ilalagay nilang mga tao sa naturang komite ay may mataas na integridad.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pinangalanan naman ng kalihim si dating Special Action Force Commander at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalongna isa sa mga bubuo ng 5-man panel.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Tumanggi naman si Abalos na pangalanan ang iba pang mga committee members dahil sa isyu sa seguridad.

Muli naman iginiit ng DILG secretary na walang dapat ikabahala ang mga PNP members kung hindi naman sila sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.