Mga district hospital sa Pampanga, halos wala nang COVID patient

Masayang ibinalita ni Pampanga Provincial Health Officer Dr. Zenon Ponce, na karamihan sa mga district hospital sa lalawigan ay wala ng mga Covid-19 patient.

Anya, tanging ang Jose B. Lingad Regional Memorial Hospital na lang ang mayroong COVID patient, pero mas marami na ang mga bakanteng hospital beds.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Karamihan rin sa mga isolation facility sa Pampanga ay sarado na.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala, sinabi rin ni Dr. Ponce na nasa halos 20 pababa na lamang ang naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw sa lalawigan.