Mga deboto ng Señor Sto. Niño sa Naga, inaanyayahan na makiisa sa parada bukas

NAGA CITY- Viva Pit Señor! Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng Naga at ng simbahan ang mga deboto ng Senior Sto. Niño na makiisa sa parada bukas Enero 21, 2024 para sa pagdiriwang ng pista nito.

Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office Head Allen Reondanga, ang mga sasama ay maaaring mag dala ng mga imahe ng Sto. Niño. Magsisimula ang prusisyon sa Immaculate Concepcion Parish patungo sa Balatas Development Center sa tapat ng Naga City Event Center II, magkakaroon din ng misa roon. Isasara ang parte ng Balatas Bypass Roadsimula ala-1:30 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi sa mga kaugnay na aktibidad.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized
Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Dati sa Plaza Quezon naka sentro ang okasyon pero ngayong taon napagkasunduan ng LGU at parokya na sa Balatas ito ganapin gayung sakop pa ng parokya ang barangay at maipakita rin sa publiko ang bagong Debvelopment area kung nasaan nakatayo rin ang operational nang Naga City General Hospital.