Mga deboto ng birheng Maria sa Camarines Norte nakiisa sa buong mundo sa pagdiriwang ng Solemnity of the Immaculate Conception

CAMARINES NORTE – Nakiisa ang mga deboto ng Mahal na Birheng Maria sa Camarines Norte sa pagdiriwang ng sangkakristiyanuhan sa kapistahan ng Immaculada Concepcion kahapon, December 8.

Sinamantala ng mga deboto ang holiday para magpasalamat sa Diyos at magbigay pugay sa mahal na birhen.

Sa bisa kasi ng Republic Act No 10966, deklaradong holiday ang December 8 bilang pakikiisa sa mga katoliko sa pagdiriwang ng kapistahan ng Kalinis- linisang paglilihi kay Maria.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa Holy Trinity Cathedral dito sa Daet ay pinangunahan ni Fr. Eduardo Regore Jr. ang Banal na Misa.

Paalala naman ng  simbahan sa mga deboto na tularan si Maria sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Magandang pagkakataon din umano na pagnilayan ang pagiging mapagkumbaba at bukas ni Maria sa pagsunod sa kalooban ng Diyos lalo na ngayong pinaghahandaan ang pasko ng kapanganakan ni Jesus.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Isa lamang ang Solemnity of the Immaculate Concepcion sa Holy Days of Obligation para sa mga katoliko.

Ang Holy Days of Obligation ay ang mga natatanging araw na idineklara ng Simbahang Katolika na dapat bigyang paggalang katulad  sa araw ng Linggo.