Iniimbestigahan sa ngayon ng mga otoridad sa Woodbridge, New Jersey ang isang eskwelahan sakanilang lugar matapos madiskubreng aabot sa 100 na mga dati nitong estudyante ang pare-parehong nagkasakit at na diagnose ng ‘brain tumor.’
Ayon sa ulat, nagsimula ang pagkaka diskubre nito sa isang alumnus ng Colonia High School na si Al Lupiano, na-diagnosed sa pagkakaroon ng “acoustic neuroma” – isang uri ng brain tumor.
Maswerteng nakaligtas ang si Lupianio sa naturang sakit ngunit makalipas ang ilang taon ay binawian ng buhay ang kanyang asawa at kapatid dahil sa kaparehong karamdaman, na pawang naging estudyante rin ng nasabing paaralan.
Sa kanyang pagsisiyasat, kanyang napag-alaman na hindi lamang sila ng kanyang asawa at kapatid ang dinapuan ng naturang sakit matapos niyang madiskubreng nasa mahigit 100 pang mga indibidwal na nag-aral o nagtrabaho sa Colonia High School ang may kapareho ding karamdaman.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang naturang paaralan ay may mataas na ‘nuclear radiation’ dahil sa isang radio active rock sa campus ng paaralan.
Kasalukuyan nang humihingi ng tulong ang mga otoridad sa mga eksperto hinggil dito.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol