Mga corals sa Rozul Reef, napinsala dahil sa iligal na pag-aani

Nananatiling nasa mabuting kalagayan ang marine biodiversity sa Rozul Reef sa West Philippine Sea sa kabila ng pag-aani at nasisirang corals.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mas dapat pagtuunan ng pansin ng Pilipinas ang buhangin o mga durog na korales na natagpuan sa seabed ng Rozul Reef.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Sa kabila nito, may mga senyales na nag re-recover na ang biodiversity sa nasabing lugar, tulad ng nakitang clownfish sa sea anemone nito at maliliit na isda na lumalangoy malapit sa mga patay na korales.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Noong Setyembre 2023, iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “severe damage” sa marine environment at coral reef sa seabed ng Rozul Reef at Escoda Shoa; matapos unang iulat ng Armed Forces of the Philippines Western Command na may mga kaso ng malawakang pag-aani ng coral sa kahabaan ng Rozul Reef.