Mga contact tracers full force sa pag-alalay sa mga vaccination sites sa pagsimula ng National Vaccination Day

SORSOGON CITY – Nakaalalay ngayon ang buong puwersa ng contract tracers ng DILG-Sorsogon sa mga health workers sa pagsisimula ng National Vaccination Day.

Ayon sa pinuno ng Kagawaran na si Julius Rodel Cal-Ortiz, dahil patuloy sa pagbaba ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan na nagresulta sa pagbaba ng close contacts, mas maluwag na ngayon ang schedule ng mga Contact Tracers kung kaya’t sinamantala ng mga ito ang pagkakataon na makatulong sa Provincial Government para sa ramp- up vaccination na gagawin sa loob ng tatlong araw.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya pa,  nitong nakatalikod na linggo pa ay naka deploy na ang kanilang team para tulungan ang mga LGUs na maabot ang 70% herd immunity.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang lalawigan ay may vaccination rate na 27% at target sana na makuha ang herd immunity hanggang buwan ng Disyembre.

Gayunman, pinuri ng opisyal ang pagiging masigasig ng mga Barangay Officials sa pagpapabakuna sa kanilang mga residente na malaking tulong umano sa pagkamit ng herd immunity bago matapos ang taon.