Mga consumers na apektado ng supply ng tubig sa Daraga, Albay naglabas ng kanilang saloobin sa Daraga Water District

LEGAZPI CITY – Inilabas ng mga consumers ang kanilang saloobin sa Daraga Water District at Prime Water Daraga ang kanilang nararanasan na pawala wala o kulang sa supply na tubig sa ginawang public hearing para sa Water Tariff Adjustment.

Ayon sa mga consumers, naiintindihan nila ang hinihinging pagtaas ng singil sa tubig ng Prime Water at Daraga Water District ngunit gawin naman nila ng maayos ang serbisyo.

Aniya, hindi pa nila napapakinabangan nang maayos at tamang serbisyo ng supply ng tubig sa pang araw araw at ngayon sila ang magsasakripisyo sa pagbabayad ng taas singil sa tubig para sa kanilang proposed project.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kung nanaisin nila umano na ipataw ang dagdag singil sa tubig dapat sila na muna ang gumastos sa kanilang proposed project at paghahatian na lang ito ng mga consumers para maging maayos ang serbisyo sa tubig.

Binigyan diin ng mga consumers na hindi nila maramdaman na naibibigay ng mga ito ang tamang serbisyo simula ng pasukin ng prime water ang nasabing bayan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Depensa naman ng Pribadong kompanya na mayroon naman silang nagawa sa loob ng apat na taon ay pagpapalit ng mga luma o sira sirang tubo at nagkaroon na rin ng karagdagang dalawang sources ng tubig.

Sinabi pa ng nabanggit na kompanya, magagawa lamang nila ito at maipapatupad na maayos ang serbisyo sa tulong ng tariff adjustment .