Mga commercial establishments at hotels sa Naga City na hindi sumusunod sa proper sanitation muling binalaan

NAGA CITY –Nagbabala ang City Government ng Naga sa mga commercial establishments tulad ng restaurants, hotel at iba pang accommodations na lalabag sa proper sanitations lalo na ngayong papalapit na ang pagdiriwang ng Peñafrancia fiesta sa Setyembre.

May mga hotel kasi sa lungsod na una ng inireklamo, madumi ang kuwarto, walang matinong kitchen utensils at minsan tila tsokolate pa ang tubig.

Ganoon din sa ilang mga restaurants na bukod sa isyu ng kalinisan inirereklamo din ang ugali ng mga personahe.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kung may ganitong karanasan dapat magsumbong sa health sanitation officer ng lungsod.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Jose Perez, committee chairman ng Investment, Trade and Economic Enterprises and Tourism sa konseho bilang bahagi na rin sa paghahanda sa paparating na Peñafrancia Fiesta.

Dagdag nito malaking kapintasan sa lokal na pamahalaan kung hindi masosolusyunan ang ganitong mga isyu dahil makakaapekto ito sa pagnenegosyo at turismo na puwedeng ikadismaya ng mga darating na mga deboto at bisita.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nabanggit din niya na nagsagawa na rin ng pag-inspection an sanidad sa mga ito noon pang mga nakaraang mga araw para matiyak na sumusunod sa tamang kalinisan at pag-uugali.

Bago magtapos ang kasalukuyang buwan, inaasahan na ang pagdatingan ng mga deboto at bisita na maagang nakapag-reserba sa mga hotel.