Mga beterang beauty queens, nagbabalik upang sumabak ulit sa Miss Universe

Isa-isa nang nagsisibalikan ang mga beteranang beauty queens sa mga pageant scene ngayon.

Kabilang na dito ang mga dating runners up na naging kasabayan nila Pia Wurtzbach at Catriona Gray sa Binibining Pilipinas.

Isa na diyan sina  Bb. Pilipinas-Intercontinental 2014 Kris Tiffany Janson at ang kanyang successor na si Christi McGarry.

Kung ikukumpara si McGarry kay Janson, mas beterana siya sa mga beauty pageant dahil nasubukan na niyang sumali sa Miss New Jersey Teen USA 2008, Mutya ng Pilipinas 2010, Top Model of the World 2010, BB.Pilipinas 2015, at ngayon, sa Miss Universe Philippines 2024.