Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang sakop ng Palawan.

Bahagi pa rin ito ng Balikatan Exercise ngayong taon.

Kahapon , sabay-sabay na nagpamalas ng simulated Medical Evacuation MEDEVAC/ Casualty evacuation CASEVAC exercise ang mga kalahok na barko ng bansa na BRP Davao del Sur at BRP Ramon Alcaraz kasmaa ang US Navy’s USS Harpers Ferry at French Navy’s Vendémiaire.

Sinundan ito ng matagumpay na cross-deck landing kasama ang isang helicopter ng French Navy.

Magtatagal ang MME hanggang April 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *