Mga barangay sa Trece Martires City, muling idineklarang 100% Drug Cleared Barangay

Muling idineklara ng Philippine National Police (PNP) na drug cleared ang 100% ng mga barangay sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon kay Mayor Gemma Lubigan, sinasalamin lamang nito ang matagumpay na pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program sa kanilang lugar.

Kung saan matagumpay nilang nasunod ang lahat ng parameters na itinakda ng Dangerous Drug Board (DDB) Regulation mula sa PNP.

Kung maalala, ito na ang pang-apat na taong naideklarang drug cleared ang lahat ng barangay ng Trece Martires tulad ng Barangay Cabezas, Barangay Cabuco at Barangay Conchu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *