Mga barangay officials sa Camarines Sur, inubliga maglagay ng generator sa bawat presinto sa eleksyon

NAGA CITY – Inubliga ng Department of Interior and Local Government Bicol o DILG Bicol ang lahat ng mga Barangay  Officials hindi lang sa probinsya ng Camarines Sur, maging sa buong rehiyon ng Bicol na maglagay ng generator o gen set sa bawat presinto para sa Halalan 2022.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Nelly Largo, Liga ng mga Brangay President sa Camarines Sur.

Aniya, maliban kasi sa isa sila sa mga nagbabantay ng mga paraphernalia katulad ng mga Vote Counting Machines o VCM, mga balota, pinatitiyak din na magkaroon ng generator ang bawat presinto lalo na’t matatapos ang botohan alas 7 na nang gabi.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Kaya naman ngayon palang nagpupursige na ang mga barangay officials para matugunan ang kahilingan ng DILG.