Mga barangay na may matagumpay na population programs, bibigyan ng incentive

KORONADAL CITY- MAKAKATANGGAP ng insentibo ang mga barangay sa South Cotabato na nagging matagumpay sa pagpapatupad ng mga population programs sa kanilang lugar.

Ayon kay Population Program Officer II Joanne Palacio ng Provincial Population Office na layon nito na kilalanin at parangalan ang mga accomplishments ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga population programs sa gitna ng banta ng COVID 19.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa pamamagitan din nito, mahihikayat ang mga barangay at mga volunteers na ipagpatuloy at paigtingin pa ang mga priority programs ng Provincial Population Office tulad ng responsible parenthood, adolescent family planning at gender and development program.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Inihayag ni Palacio na magbibigay ang provincial government ng P20,000 na incentive sa mananalong barangay sa bawat munisipyo.

Makakatanggap din ng insentibo ang mga barangay population volunteers.

Ito ay ibibigay sa buwan ng Nobyembre kasabay ng isasagawang Population Congress.