CAMARINES NORTE- Maaari nang muling maglayag ang mga bangkang pangisda makaraan ang mahigit dalawang linggong pangkatengga sa kanilang hanapbuhay.
Batay ito sa ipinalabas na Sea Travel Advisory ng Philippine Coastguard Station sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito’y makaaang ideklara ng Coast Guard na lifted na ang nakabanderang gale warning advisory ng Pagasa sa karagatang sakop ng probinsiya.
Itinuturing naman ng mga mangingisda na maganda itong balita lalo’t may pagkakataon na silang kumita ilang araw bago magpasko.
Kung maalala bago pa man pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang malakas na bagyong Odette ay nakabandera na ang gale warning advisory dahil sa naglalakihan at mataas na alon ng karagatan.
Gayunman patuloy pa rin ang paalala ng PCG sa mga papalaot na mag ingat lalo na ngayong ang prevailing weather system sa probinsiya ay ang Northeast monsoon.
Kahit kasi lifted na ang gale warning ay asahan pa rin ang matataas na alon ng karagatan.
Pero kahit lifted na ang gale warning advisory, asahan pa rin ang mataas na presyo ng isda ilang araw bago magpasko.
