Gradong 9 ibinigay ng DILG sa Camarines Sur sa pagpapagod sa tatlong serye ng malawakang bakunahan

NAGA CITY- 9 ang gradong ibinigay ng Department of Interior and Local Government o DILG sa probinsya ng Camarines Sur sa pagpapagod sa tatlong serye ng malawakang pagbabakuna.

Ito ang inihayag sa Brigada New FM Naga ni DILG Provincial Officer Melody Relucio kasabay ng pagpapatuloy ng National Vaccination Days. Kung babalikan hindi itinuloy ng ilang LGU ang pagbabakuna sa 2nd Round ng NVD dahil sa banta ng bagyong Odette, kahapon natuloy na ang vaccination rollout sa ilang mag LGUs at venues na unang nag kansela.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Ayon kay Relucio nakita ng DILG ang dedikasyon ng lahat ng bumubuo sa vaccination team sa buong lalawigan , gayundin ng mga frontliners, local chief executives , health officials  at Barangay Officials.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Hindi aniya siya makapagbigay ng perfect 10 dahil may mga kaunting aberya naman kahit papaano.

Samantala naibaba na sa 15 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.  Walang bagong naitala kahapon. 12, 972 na ang gumaling sa 13, 520 cumulative cases habang 533 ang nasawi.