LEGAZPI CITY – Umaasa ang Albay Veterinary Office na mapapakinabangan na ang mga bagong bakuna kontra African Swine Fever sa lalawigan. Malaking bagay umano ang hakbang na ito, lalo na’t nito lamang nakalipas na mga buwan, tinamaan ng kaso ng ASF ang tatlong mga lokal na pamahalaan, kung saan maraming mga baboy ang isinailalim sa mass culling.
Kung matatandaan, tuluyan nang naibalik sa pink zone status ang Tiwi mula sa red zone – nangangahulugan na ASF-free na ulit ang lalawigan. Unang naitala ang kaso ng ASF sa bayan noong Abril, kung saan 83 hog raisers ang naapektuhan habang 3221 na mga alagang baboy ang dinepopulate.
Samantala, positibo ang opisina na sa oras na maging matagumpay ang mass testing ng Pamahalaan sa bagong bakuna, posibleng maaalis na nito ang mga pangamba ng bawat swine farmer.