Kinoronahan na ng Binibining Pilipinas ang kanilang bagong set ng mga Reyna.
Itinanghal sina Nicole Borromeo ng Cebu bilang Bb. Pilipinas International; Gabrielle Camille Basiano ng Samar bilang Bb. Pilipinas Intercontinental; Chelsea Fernandez ng Tacloban City bilang Bb. Pilipinas Globe; at Roberta Angela Tamondong ng San Pablo Laguna bilang Bb. Pilipinas Grand International.
Nakuha naman nina Herlene Budol at Stacey Daniella Gabriel, kapwa mula sa Rizal, ang first at second runner up, para talunin ang 34 na iba pang kandidato sa coronation night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Samantala, nabigyan naman ng special awards sina Graciella Sheine Lehmann ng Oriental Mindoro (Best in National Costume), Ma. Isabela David ng Mexico, Pampanga (Best in Talent), Yllana Marie Aduana ng Laguna Province (The Face of Binibini), Eiffel Janell Rosalita ng Catanduanes (Bb. Friendship), Roberta Angela Tamondong ng San Pablo Laguna (Bb. Philippine Airlines), at Herlene Budol ngf Angono, Rizal (Manila Bulletin Readers’ Choice Award).
