Biden, muling nagpositibo sa COVID-19 — White House

Muling nagpositibo sa COVID-19 si U.S. President Joe Biden noong Sabado ng umaga, na inilarawan ng White House doctor bilang “rebound” case, na makikita sa maliit na percentage ng mga pasyente na umiinom ng antiviral drug Paxlovid.

Mababatid na noong Miyerkules nang lumabas ang 79-anyos na presidente mula sa COVID isolation, matapos magpositibo sa virus noong July 21.

Dahil dito, babalik sa strict isolation at kinansela ang lahat ng planned trips sa kanyang bahay sa Wilmington at work trip sa Michigan.

Noong Miyerkules at Huwebes nang magsagawa ni Biden ng public events, matapos lumabas sa isolation.

Samantala, sa isang tweet, sinabi ng US president na wala siyang sintomas, pero kailangan na i-isolate para sa kaligtasan ng bawat isa na nakapalibot sa kanya.