CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magkakaroon ng mandatory training at seminar ang mga bagong halal na opisyal sa Local Government Academy (LGA).
Ayon kay DILG Provincial Director Ray Caceres mangyayari umano ito pagkatapos na manumpa sa tungkulin at maupo sa pwesto ang mga nanalong opisyal.
Iba- iba umano ang approach ng training para sa mga bagong halal o ang ngayon pa lang sasabak sa pagseserbisyo, nagbabalik serbisyo dahil nagpahinga, gayundin sa mga re- elected.
Hinihintay pa umano ng DILG ang guidance at advisory ukol dito mula sa LGA
Kasali sa programa ang lahat ng opisyal mula Gobernador hanggang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Samantala, titiyakin umano ng DILG na magkakaroon ng maayos na transition lalo na sa Provincial Level.
Simula sa tanghali ng Hunyo 30 ay uupo na bilang Gobernador si Ricarte “Dong” Padilla at papalitan si outgoing Governor Edgardo Tallado.
Ang running mate naman ni Padilla sa katatapos lang na Halalan na si outgoing Labo Mayor Joseph Ascutia ang uupong Bise Gobernador.
