‘Draft bill” na nag-aalis sa parent consent sa kabataang magpapa-abort, aprubado na sa Spain

Aprubado sa Spain ang “draft bill” na nag-aalis sa parent consent na requirement para sa mga 16 at 17 year-old na mga kababaihan bago sumalang sa aborsyon.

Layon ng panukala na ma-reform ang kasalukuyang abortion law na naaprubahan ng People’s Party noong 2015.

Sinabi ng tagapagsalita ng Spain government na ang panukala ay patunay ng “new step forward” para sa democracy sa kanilang bansa.

Sakaling maaprubahan ang nasabing panukala, ang Spain ang unang bansa sa Europa na magbibigay ng paid menstrual leave sa mga manggagawa.

Mababatid na pinapayagan ang voluntary abortion sa Spain pero maaari lamang itong gawin hanggang sa ika-14 na linggo ng pregnancy.