Handa ang mga awtoridad sa worst case scenarios na maaaring maganap sa prusisyon ng Itim na Nazareno bukas.
Ito ang sinabi ni DILG sec. Benhur Abalos Jr. Kasabay isinagawang inspeksyon kaninang umaga sa paligid ng Quiapo church bilang paghahanda ng mga awtoridad sa Nazareno 2024.
Sabi ni Abalos, mayroong mga naka kalat na mga first aid stations at medical personnel sakaling may mga debotong kailanganin ng atensyong medical bukod pa ang gagawing respunde sakaling magkaroon ng stampede.
Bago ito, ipinakita ni Manila Police District Director PCol. Arnold Thomas Ibay kay Sec. Abalos maging kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr., ang ginagawang screening sa mga gamit ng mga magsisimba sa Quiapo church para matiyak na walang mga ipinagbabawal na bagay ang makakalusot papasok ng simabahan
Sa panig ng Manila Local Government Unit ayon kay Mayor Honey Lacuna, katuwang ang simbahan at iba pang sektor , good to go na LGus sa Nazareno 2024 bukas.