Mga Amerikano, ipinagdiriwang ang Thanksgiving Day

Ipinagdiriwang ng Americans ang Thanksgiving Day na may mataas na seguridad bunsod ng lumalakas na hidwaan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.

Dahil sa digmaan, isinusulong ng American officials na magsagawa ng karagdagang pag-iingat sa mga paliparan at shopping mall sa buong Estados Unidos.

Ang nasabing selebrasyon ay nagbubuklod sa pamilya at mga kaibigan para sa turkey dinner, panonood ng parada at American football sa TV.

Una nang nagbabala ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Kongreso na matinding banta ang pag-atake ng terorista ng halos isang dekada.

PHOTO CREDITS: REUTERS